Wednesday, December 11, 2024

Pagsusuri "Simbolo" Ang pagbabalIK ni Jose Corazon De Jesus"

 Pagsusuri "Simbolo" Ang pagbabalIK ni Jose Corazon De Jesus"



"URING PAMΡΑΝΙΤΙΚΑΝ"

ANG PAGBABALIK NI JOSE CORAZON DE JESUS AY AKDANG PAMPANITΙΚΑΝ ΝΑ ΝAPAPABILANG SA ISANG TULA. ITO AY ISANG MASINING NA ANYO NG PANITIKAN NA NAGLALAYONG MAIPAHAYAG ANG DAMDAMIN NG MAKATA O MANUNULAT NITO. NAGPAPAHAYAG ITO NG DAMDAMIN AT MAGAGANDANG KAISIPAN GAMIT ANG MARIRIKIT NA SALITΑ. ΙΤΟΎ ΜΑTALINHAGA AT KADALASANG GINAGAMITAN NG TAYUTAY.


"ESTRUKTURA NG TULA"

ITO AY TRADISYUNAL NA TULA SAPAGKAT NAGTATAGLAY ITO NG SUKAT, NA MAY LALABIN-DALAWAHING PANTIG, NA MAY TUGMA AT MAY TALINGHAGA. ITO AY BINUBUO NG LIMANG TALUDTOD SA BAWAT SAKNONG.


ANG TULA AY MAYROONG 8 SAKNONG.


"ESTILO NG PAGLALAHAD"

PAGSASALAYSAY AT PAGLALARAWAN ANG ISTILO NG PAGLALAHAD ANG GINAMIT NA TULANG ITO. ISINALAYSAY NG MAY-AKDA NG MGA PANGYAYARING NAGANAP SA BUHAY NG PANGUNAHING TAUHAN.


"Tayutay, tono at simbolo"

"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"


"PAGMAMALABIS"

Ang pagmamalabis ay isang uri ng tayutay na sadyang pinapalabis o pinalalaki ang katotohanan upang bigyang-diin ang isang ideya o damdamin. Ginagamit ito upang makuha ang atensyon ng mambabasa o tagapakinig.


"HALIMBAWA"

Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas, 

Pasigaw ang sabing, 'Magbalik ka agad!'

Ang sagot ko'y 'Oo, hindi magluluwat!'

Nakangiti akong luha'y nalalaglag...

At ako'y umalis, tinunton ang landas

Na biyak ang puso't iniwan ang kabiyak!


"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"


"PAGLILIPAT-WIKA O TRANSFERRED EPITHETES"

Ang paglilipat-wika o transferred epithetes ay isang tayutay na naglalarawan sa paggamit ng isang pang-uri na karaniwang inilalarawan sa isang bagay o tao, ngunit inilipat o inilipat ito upang ilarawan ang ibang bagay o tao na hindi direktang may kinalaman sa pang-uri.


"HALIMBAWA"

At ako'y lumakad, halos lakad takbo, 

Sa may dakong ami'y meron pang musiko, 

Ang aming tahana'y masayang totoo 

At nagkakagulo ang maraming tao...

"Salamat sa Diyos!" ang nabigkas ko,

"Nalalaman nila na darating ako."


KAKIKITAAN DIN ANG TULA NG LARAWANG DIWA NA KUNG SAAN MAHUSAY NA INILALARAWAN NG MAKATA ANG TULA UPANG MAGKAROON NG KAKINTALAN SA MGA MAMBABASA:


HALIMBAWA:

AT AKOY TUMULOY... PINTO NG MABUKSAN, ΜΑΤΑΥ ΝΑPAPIKIT SA AKING NAMASDAN; ΑΡΑΤ ΝΑ ΚANDILA ANG NANGAGBABANTAY; SA PALIGID-LIGID NG IROG KONG BANGKAY; MUKHA NAKANGITI AT NANG AKING HAGKAN; PARA PANG SINABI "IROG KO, PAALAM!"



"TALASALITAAN"


1.KALUWALHATIAN-DAMDAMING UMIIRAL SA PUSO NG TAO DAHIL SA KAGANDAHAN NG LOOB NITO AT SA MGA BAGAY NA INIKALATUWA NIYA UPANG MAKAMIT ANG KASIYAHAN HINAHANAGAD


2. MAGLULUWAT-NANGANGAHULUGANG HINDI MAGTATAGL O MAGBABALIK


AGAD-AGAD.


3. MAKABAGTAS-GINAMIT ANG SALITANG MAKABAGTAS-SA TULA SA PARAAN NA SIYA AY NAKARATING NA SA PINTUAN


4. DATNIN- PINAIKLING SALITA NA ANG KAHULUGAN AY DUMATING



5.NAGLALAGOT-NANGANGAHULUGANG LABIS-LABIS ANG KANIYANG NADARAMANG PANGUNGULILA AT KALUNGKUTAN SA KANIYANG SINISINTA


6. MAGAWAK-INILARAWAN SA TULA NA ANG SALITANG MAGAWAK AY KATUMBAS NG SALITANG MADALING ARAW


7. KAINGIN-KATUMBAS NG SALITANG BUKIRIN NA PINAGTATAMNAN NG IBA'T IBANG PRUTAS AT GULAY.


8. PINUPOL-PAGPITAS


9.LIYAG - GINAGAMIT UPANG ILARAWAN ANG TAONG MAHAL MO O ANG IYONG SINTA, MINAMAHAL, GILIW AT ASAWA.



"SIMBOLO"


1. ANG PANYONG PUTI AY SUMISIMBOLO SA MASAYANG PAMAMAALAM NA HINANGAD NITO NA MAGKAROON SIYA NG PAYAPANG PAGLALAKBAY


2. KWAGO AT IBONG ITIM SUMISIMBOLO ITO NA NAGPAPAHIWATIG NG MASAMANG PANGITAIN O MAY MAGAGANAP NA HINDI KANAIS-NAIS.


3. KANDILA NAMAN AY SUMISIMBOLO NG LIWANAG SA DILIM NG BUHAY SA ISANG INDIBIDWAL NA NANGANGAHULUGANG BANAL NA PAG-IILAW NG ESPIRITU NG KATOTOHANAN PATUNGO SA SUSUNOD NA MUNDO NA KUNG SAAN WALA NG SAKIT AT PAGHIHINAGPIS








No comments:

Post a Comment

Tulang Patnigan🏚️🎞️ "Duplo"

Tulang Patnigan🏚️🎞️ Ang tulang patnigan ay isang makulay at masining na anyo ng panulaang Filipino na naglalayong ipahayag ang damdamin, o...