Wednesday, December 11, 2024

Maikling Kwento📒

Mga Pamaraan sa Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan 



Ano ang Maikling Kwento?

- Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento" ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

- Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.


Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento 



Elemento ng Maikling Kwento 

Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento 

Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan

Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan

Magagandang Kaisipan o Pahayag - mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa  

Simula at Wakas - paraan ng mga manunulat kung paano niya sinimulan at winakasan ang kwento. Ito’y maaaring may magandang simula ngunit may malungkot na katapusan.


Suriin ang kwento ayon sa uri


Mga Uri ng Maikling Kwento 

Kwento ng tauhan -  inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. 

Kwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

Kwento ng katatakutan  - naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

Kwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Kwentong sikolohiko -  ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Kwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

Kwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

Kwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.


  • Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito
  • Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
  • Suriin ito ayon sa taglay na bisa.

Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.

Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.

Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.


Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipuan 


Gamitan ng teorya sa pagsusuri


PARAAN NG PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO

 “ Magparayang Puso”


URI NG KWENTO

  - alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napapabilang (Kuwento ng Pag-ibig)


   PAMAGAT

  - dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento. 

  (“Magparayang Puso”-Isang babaeng nagmahal, nasaktan at nagparaya )


III. NILALAMAN

  

Tauhan 

  Dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento.

(Issa - labinlimang taong gulang, mahilig magbasa at manood ng palabas tungkol sa pag-ibig. Isang masayahing babae, positibo ang pananaw sa buhay at wagas kung magmahal. Kasintahan ni Ben.

Ben - labingpitong taong gulang, maunawain at mapagmahal na kasintahan ni Issa.

Magulang ni Issa - mahigpit at istrikto pagdating sa kanyang mga anak lalo na sa usapang pag-ibig. )

 B. TAGPUAN

Pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa kwento.

(Novaliches Quezon City,Silid-aralan ,Bahay)


 C. GALAW NG PANGYAYARI o BANGHAY

  Dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento.

Pangunahing Pangyayari 

  - panimulang aksyon 

  - matatagpuan ang tauhan, tagpuan, panahon at posibleng simula ng suliranin at problema 

 (Hayskul ng magkakilala sina Ben at Issa. May lihim na pagtingin si Issa sa kanyang kaklaseng si Ben ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may pagtingin rin si Ben sa kanya)

Pasidhi o Pataas na Pangyayari 

  - pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga pangyayari sa kwento.

  - daan o susi patungo sa pinakamahalagang pangyayari

(Hindi nagtagal ay niligawan ni Ben si Issa at agad naman niya itong sinagot . Naging maganda at masaya ang kanilang relasyon. Subalit ang relasyon nila ay lihim dahil mahigpit at pinagbabawalan si Issa ng kanyang magulang. )

 Karurukan o Kasukdulan 

  - pinakamahalagang bahagi ng kwento.

  - pinakahihintay ng mga mambabasa.

  - dito nagaganap ang pinakamatinding problema.

(Nagsimula ang problema ng may naririnig si Issa na usapan sa kanilang paaralan na di umano ay may kasama si Ben na buntis na babae . Hindi naniwala si Issa kahit pa napapansin at nararamdaman na niyang nanlalamig na si Ben sa kanya. Naging pipi at bingi lamang siya kahit na iniiyakan niya ito tuwing gabi. )

Kakalasan o Pababang Aksyon 

  - bahaging bago magwakas ang kwento.

  - binibigyang sulosyon ang problema sa kwento.

(Walang ginawa si Issa kundi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi kaya naman kinabukasan ay kinausap niya si Ben kung totoo ba ang kumakalat na usapan at ito’y inamin ni Ben. Nasaktan siya sa naging sagot ni Ben ngunit tiniis niya at napagdesisyonan niyang makipaghiwalay na lamang alang-alang sa magiging anak ni Ben.)

Wakas 

  - bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa.

  - dito matatagpuan ang pangunahing aral o mensahe sa kwento.

  - dito na wawakasan ang mga pangyayari sa kwento 

(Si Issa, isang babaeng nagmahal, nasaktan, nagparaya ngunit unti-unting bumangon at natutunan na ang tunay na Pag-ibig ay mayroong tamang oras, pagkakataon, at naniniwalang may taong nakalaan para sa bawat tao.)


 TAGLAY NA BISA 

  - matapos mabasa ang kwento alamin kung anong pagbabago sa sarili ang iyong naramdaman 

(Bisang Pangkaisipan) 

Sa wakas ng kwento isinaad na ang pag-ibig ay dumarating sa tamang panahon at ito’y hindi dapat minamadali. )

  KAMALAYANG PANLIPUNAN

  - alamin kung ano ang ipinapakita o inilalarawan ng akda sa ating lipunan.

(Hindi na bago sa ating lipunan ang maagang pakikipagrelasyon ng mga kabataan na nasa mura pang edad at ang malala pa dito ay naging dahilan ito ng maagang pagbubuntis)

  TEORYA

  - sa pagsusuri mahalagang alam mo ang teoryang ginamit sa akda.

Teoryang Romantisismo 

(Ang pagpaparaya ni Issa kay Ben ay isang halimbawa ng pag-ibig na maunawain.

na kahit nasaktan ay inunawa at iniisp pa din ang kapakanan ng magiging anak ni Ben.)




No comments:

Post a Comment

Tulang Patnigan🏚️🎞️ "Duplo"

Tulang Patnigan🏚️🎞️ Ang tulang patnigan ay isang makulay at masining na anyo ng panulaang Filipino na naglalayong ipahayag ang damdamin, o...