Pagsusuri sa mga tulang "Sagimsim" Ang Ilaw sa Parol at "simbolo" Ang pagbabalik
Mga nilalaman
1. Pagtalakay sa Buhay ng May-Akda
2.Pagbasa ng Tula
3.Uring Pampanitikan
4.Pagpapaliwanag ng mensahe ng tula sa bawat saknong
5.Estruktura ng Tula
6.Tayutay, Tono, at Simbolismo ng Tula
7.Mabisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
8. Teoryang Pampanitikan
"SUMULAT NG TULA"
• Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang Pilipino.
• Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika.
• Naiambag niya sa panitikan ang kanyang kuwentong Bunga ng Kasalanan na nalathala sa Taliba noong 1920.
• Bunga ng kasalanan- ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga manunulat na Pilipino ang tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento. Ito rin ang naging dahilan upang tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong 1920 dahil sa boto ng mga mambabasa ng magasing Liwayway.
"Sagimsim" Ang Ilaw Sa Parol ni Cirio H. Panganiban"
"URING PAMΡΑΝΙΤΙΚΑΝ"
ANG ILAW SA PAROL AY AKDANG PAMPANITIKΑΝ ΝΑ ΝΑΡΑΡΑBILANG SA ISANG TULA. ITO AY ISANG MASINING NA ANYONG PAΝΙΤΙΚΑN NA NAGLALAYONG MAIPAHAYAG ANG DAMDAMINNG MAΚΑΤΑ Ο MANUNULAT NITO. NAGPAPAHAYAG ITO NG DAMDAMIN AT MAGAGANDANG KAISIPAN GAMIT ANG MARIRIKIT NA SALITA. ITO AY MATALINGHAGANG SALITA AT KADALASANG GINAGAMITAN NG TAYUTAY.
"ESTRUKTURA NG TULA"
KAKIKITAAN DIN ANG TULA NG LARAWANG DIWA NA KUNG SAAN MAHUSAY NA INILALARAWAN NG MAKATA ANG TULA UPANG MAGKAROON NG KAKINTALAN SA MGA MAMBABASA:
HALIMBAWA:
LAGAPAK ANG KATAWANG SUMAPIT SA BALKON,
ΝΑ ΤΙΝΑΤΑNGLAWAN NG ILAW SA PAROL.
TUMAHOL ANG ASO AT ANG TAONG YAOY,
SINASAL NG UBO PAGPUWAY KINANDONG
NG MUNTING KAMAY KULUBOT AT LUOΥ
"ESTILO NG PAGLALAHAD"
ISA SA MGA TRADISYUNAL NA MAKATA SI CIRIO H. PANGANIBAN, TRADISYUNAL ANG BINUONG ISTILO NG TULA NIYA NA KUNG SAAN NAGTATAGLAY NG SUKAT AT TUGMA SA BAWAT TALUDTOD. ANG MGA SALITA AT PARAAN NG PAGBUO NG PAHAYAG AY PILING-PILI, MATAYUTAY, AT MASINING BUKOD SA PAGIGING MARAMDAMIN.
"TAYUTAY, ΤΟΝΟ AT SIMBOLO"
"SIMBOLO"
ILAW SA PAROL
SA TULANG NABASA, ANG ILAW SA PAROL AY SUMISIMBOLO SA PAG-ASA NG MAGULANG NA MAKITA ANG KANYANG ANAK.
HALIMBAWA:
ANG PALAD NG TAO'Y UMASA'T MAGHINTAY SAKA KUNG DUMATING ANG PALAD NA IYAN, ANG HULING PAG-ASA'Y AGAD NAMAMATAY... AT GAYA NG PAROL SA DATING TAHANAN KUNG KALIAN NANG GABING NAMATAY ANG ILAW!
ANG IBON
ANG IBON ANG GINAMIT NA REPRESENTASYON SA BINATA UPANG IPAKITA ANG KALAYAANG NARANASAN NITO NANG LINISAN NIYA ANG KANYANG INA.
HALIMBAWA:
IBONG NAKAKULONG, KAPAG NAKALAYA,
IBIG DUMAPO SA SANGANG MABABA!
ITO ANG NANGYARI SA ATING BINATA,
SA NASANG NAKAMTAN ANG SANGUNDONG TUWA'Y
HALOS DI-ITUNTONG ANG PAA SA LUPA!
Iba Pang Malalalim na Pananalita na Ginamit sa Tula
"PAGTUTULAD"
Ang pagtutulad ay isang uri ng tayutay kung saan inihahambing ang dalawang magkaibang bagay gamit ang mga salitang "tulad," "parang," o "kasing." Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakatulad ng dalawang bagay na karaniwang hindi magkapareho.
"HALIMBAWA"
Sa bisig ng Ina, anak ay nagbalik,
Katulad ng isang malayong pag-ibig.
Sa bisig na yaon, ang wasak na dibdib,
"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"
"PAGWAWANGIS"
Ang pagwawangis ay isang uri ng tayutay na tuwirang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay nang hindi gumagamit ng mga salitang "tulad," o "parang,". Mabisang paraan upang ilarawan ang mga bagay nang mas tuwiran at mas malinaw.
"HALIMBAWA"
Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis
Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib,
Inang palibhasa'y Ina ng Pag-ibig,
Hinihintay-hintay na muling magbalik.
"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"
"PAGMAMALABIS"
Ang pagmamalabis ay isang uri ng tayutay na sadyang pinapalabis o pinalalaki ang katotohanan upang bigyang-diin ang isang ideya o damdamin. Ginagamit ito upang makuha ang atensyon ng mambabasa o tagapakinig.
"HALIMBAWA"
May pitong taon na ang nakalilipas
Mula ngang umalis ang bugtong na anak.
Lumaki sa layaw, nagmana ang pilak,
At ang magbinatang busog sa pangarap,
Nilinisan ang Ina't ang mundo'y nilipad
"PAGBIBIGAY-KATAUHAN"
Binibigyan nito ang mga bagay na walang Buhay na parang Isang tao na kumikilos at nag-isip.
"HALIMBAWA"
Sa kislap ng kanyang mga ginto't pilak
ay humahabol-habol pati alitaptap.
Nasilaw ang tala sa kanyang liwanag,
Ngunit nang maglho ang dating anag-ag,
isa mang bitui'y hindi na sumikat!
"SAGIMSIM NG TULA"
Ang tono nito ay pangungulila ng magulang saa nak dahil pitong taon na nilisan ng binata ang tahanan upang sundinnito ang kanyang nasa matapos na makatanggap ito ng maramingsalaping pilak.
"HALIMBAWA"
Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis
Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib,
Inang palibhasa'y Ina ng Pag-ibig,
Hinihintay-hintay na muling magbalik
"SAGIMSIM NG TULA"
Ang tono nito ay pangungulila ng magulang saa nak dahil pitong taon na nilisan ng binata ang tahanan upang sundinnito ang kanyang nasa matapos na makatanggap ito ng maramingsalaping pilak.
"HALIMBAWA"
Ang kanyang pag-asa'y darating sa bahay
Kaya, gabi-gabi, ang Ina'y may tanglaw,
Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,t
Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal
"PERSONA NG TULA"
Ang makata ang nagsasalaysay sa tula kung saan inilalahad niya karanasan ng ina na nangungulila at kung papaano ang ginawang paglustay sa salaping minana ng binata sakanyang ina upang bigyang-aral ang mga mambabasa na dapat huwag magpasilaw sa pera at dapat pahalagahan natin ang ating mga magulang dahil sila ang ating tunay na kayamanan na kailanman ay hindi mapapalitan.
No comments:
Post a Comment