Thursday, December 19, 2024

Tulang Patnigan🏚️🎞️ "Duplo"

Tulang Patnigan🏚️🎞️


Ang tulang patnigan ay isang makulay at masining na anyo ng panulaang Filipino na naglalayong ipahayag ang damdamin, opinyon, o kuro-kuro sa pamamagitan ng makatuwirang palitan ng ideya. Karaniwang inilalahad ito sa anyo ng pagtatalo, kung saan ang bawat panig ay nagpapahayag ng kani-kanilang pananaw gamit ang makukulay na salita at masining na paraan ng pagpapahayag. Ang ganitong uri ng tula ay sumasalamin sa talas ng isipan ng mga makata at kanilang kakayahang magbigay-buhay sa mga argumento, gamit ang mga elemento ng tula tulad ng tugma, ritmo, at taludturan. Sa tulang patnigan, hindi lamang talino at lohika ang nangingibabaw, kundi pati na rin ang husay sa paggamit ng wika upang makuha ang atensyon at damdamin ng tagapakinig.


Bagama't madalas itong itanghal sa harap ng madla, ang tulang patnigan ay hindi lamang simpleng pagtatagisan ng salita, kundi isang uri ng sining na nagtataguyod ng malayang pagpapahayag. Sa ganitong anyo ng tula, ang mga makata ay nagkakaroon ng pagkakataong ipakita ang kanilang kaalaman, paninindigan, at malikhain ngunit maayos na pagtugon sa mga opinyon ng iba. Bukod dito, mahalaga rin ang pagkakaroon ng tugma at ritmo, sapagkat ito ang nagbibigay ng aliw at kagandahan sa pakikinig, habang ang taludturan naman ay nagbibigay-anyo at balangkas sa kabuuan ng akda. Sa kabuuan, ang tulang patnigan ay isang makapangyarihang plataporma ng malikhaing diskurso na nagpapahalaga sa tradisyon ng masining na pakikipagtalastasan.


Duplo


  • Ito ay isang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong patula. 
  • Hango ito sa bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
  • Tulad ng Karagatan, ginaganap ito kapag may lamay o parangal sa isang namatay.
  • Ginaganap sa bakuran ng tahanan
  • Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na DUPLERO at ang mga babae ay DUPLERA
  • Kapag naglalaro na, sila ay tinatawag na BILYAKO at BILYAKA
  • Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman magsusumbong ang BILYAKO (lalaki) sapagkat hinamak ng isang BILYAKA (babae).
  • Pinapangunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol.
  • Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu.

Tulang Patnigan🏚️🎞️ "KARAGATAN"

 Tulang Patnigan🏚️🎞️

Ang tulang patnigan ay isang makulay at masining na anyo ng panulaang Filipino na naglalayong ipahayag ang damdamin, opinyon, o kuro-kuro sa pamamagitan ng makatuwirang palitan ng ideya. Karaniwang inilalahad ito sa anyo ng pagtatalo, kung saan ang bawat panig ay nagpapahayag ng kani-kanilang pananaw gamit ang makukulay na salita at masining na paraan ng pagpapahayag. Ang ganitong uri ng tula ay sumasalamin sa talas ng isipan ng mga makata at kanilang kakayahang magbigay-buhay sa mga argumento, gamit ang mga elemento ng tula tulad ng tugma, ritmo, at taludturan. Sa tulang patnigan, hindi lamang talino at lohika ang nangingibabaw, kundi pati na rin ang husay sa paggamit ng wika upang makuha ang atensyon at damdamin ng tagapakinig.

Bagama't madalas itong itanghal sa harap ng madla, ang tulang patnigan ay hindi lamang simpleng pagtatagisan ng salita, kundi isang uri ng sining na nagtataguyod ng malayang pagpapahayag. Sa ganitong anyo ng tula, ang mga makata ay nagkakaroon ng pagkakataong ipakita ang kanilang kaalaman, paninindigan, at malikhain ngunit maayos na pagtugon sa mga opinyon ng iba. Bukod dito, mahalaga rin ang pagkakaroon ng tugma at ritmo, sapagkat ito ang nagbibigay ng aliw at kagandahan sa pakikinig, habang ang taludturan naman ay nagbibigay-anyo at balangkas sa kabuuan ng akda. Sa kabuuan, ang tulang patnigan ay isang makapangyarihang plataporma ng malikhaing diskurso na nagpapahalaga sa tradisyon ng masining na pakikipagtalastasan.


Mga Uri

- Karagatan

- Duplo

- Balagtasan

- Batutian

- Bukanegan

- Crissotan

Karagatan

- tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng padula at ginampanan ng mga tauhan.

- dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay.

- larong may paligsahan sa tula.


🏚️Ito ay batay sa "Alamat ng Singing", isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat kung saan papakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.

🏚️Sa larong ito hindi kinakailangan sumisid ang binatang nais makapalad sa dalagang nawalan ng singsing.

  • Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
  • Mayroong dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sari-saring pagkaing-nayon.
  • Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
  • Karaniwang isang lalaki ang magsisimula sa larong ito.


  • Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinhaga.
  • Maaari rin na ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti.
  • Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinhaga.







Noli Me Tangere | Kabanata 1 | Isang Pagtitipon🏚️🪅

 Noli Me Tangere | Kabanata 1 | Isang Pagtitipon🏚️🪅


 
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 1: Ang Pagtitipon
 
Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni Don Santiago De los Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi naman iba sa Kapitan Tiyago ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang bahay ni Kapitan Tiyago na mayataguin sa kalye Anluwage ay napuno ng mga bisita. Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa mataas na lipunan.
 
Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-aama ng mga dumating na bisita at ang mga panauhing babae at lalake ay sadyaang magkakakilala. Nagpahalili-istama ng mga bisita at ang mga panauhin kabilang na ang magkakabiyak na sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman nagpahuli sa mga panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ni Binundok; si Padre Damaso na sadyaang magsasalaw sa kung kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevara, ang tenyente ng gwardiya sibil.
 
Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at marami pang iba. Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihagis ang kanyang pangungutya sa mga Indio. Ang mga ito raw ay tamad at mababang uri ng mga nilalang.
 
Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang usapan at dito ay pinasok niya ang pagkaka tanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng dalawampung taon. Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Kapitan Heneral ang sinabi ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat lamang raw sa pananaw ng Kapitan Heneral.
 
Ipinaliwanag din ng Tenyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil pinahaukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangan erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa mga nawalang mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla upang pakalmahin si Padre Damaso.
 
Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.



MGA MALALIM NA SALITA







Erehe - ito ay taong sumusuway o ayaw sumunod sa ipinag-uutos ng simbahan.

Halimbawa: Isang indio ang tinutukoy ni Padre Damaso na namatay na isang erehe.

Kubyertos - mga kasangkapang pagkain.

Halimbawa: Ang mga kalansing ng kubyertos at pinggan ay higit na nagpapasigla ng buong paligid sa tahanan ni Kapitan Tiago.K

Kantanod - Taong dumadalo sa handaan ng walang imbitasyon o tinatawag itong gate crasher.

Halimbawa: Maraming kantanod ang inaasahang dadalo sa piging.

Walang-Habas - Ito ay tumutukoy sa taong walang galang o bastos ang lumalabas sa bibig.

Halimbawa: Kinutya at minaliit ni Padre Damaso ang mga indio pilipino ang mga iyon raw ay mangmang at tamad.

Bantog - ito ay tumutukoy sa taong kilala o maraming nakakikilala.

Halimbawa: Si Kapitan Tiago ibantog sa kanilang lugar.

Pulutong - ito ay nangangahulugang isang malaking grupo o karamihan ng mga tao ay bagay na magkakasama.

Halimbawa: Sa gitna ng kasayahan ang pulutong ng mga panauhin ay nagtipon-tipon at masiglang nag-uusap tungkol sa mga usaping panlipunan at pulitikal.


Mga Tauhan


Tiya Isabel - pinsang babae ni Kapitan Tiago siya ang tagapangasiwa sa handaan.

Kapitan Tiago - isang bantog na tao sa kanilang lugar at siya'y tinuturing na may mabuting puso at bukas-palad.

Padre Damaso - ang pari na walang-habas ang bibig.

Padre Sibyla - isang pari na mahinahon at pormal magsalita.

Dr. De Espadaña at Donya Victorina - mag-asawa na kabilang sa dumalo sa pagtitipon.

Tenyente Guevara at Gwardiya Sibil - ang dalawang paisano na dumalo sa pagtitipon.










Wednesday, December 18, 2024

Pagsusuri ng MAIKLING KUWENTO, TULA at NOBELA📝🔎

Ang gabay sa pagsusuri ng tula ay nagbibigay-daan upang masusing maunawaan ang akda. Una, ang sipi ng akda ay nagpapakita ng pangunahing bahagi ng tula, habang ang talambuhay ng may-akda ay nagbibigay ng konteksto sa kanyang inspirasyon sa pagsulat. Ang uri ng tula ay tumutukoy sa anyo ng tula, tulad ng liriko o epiko. Ang mga sangkap ng tula—tugma, sukat, paksa, talinhaga, at imahe—ay nagpapalalim sa pagpapahayag ng damdamin at diwa nito. Ang tono ay nagsasaad ng damdaming namamayani, at ang persona ang nagsasalita sa tula. Sa pamamagitan ng teorya o dulog, mas nauunawaan ang tula mula sa iba’t ibang perspektiba, at ang reaksyon ay ang personal na tugon ng mambabasa.



Ang gabay sa pagsusuri ng maikling kuwento ay tumutulong sa masusing pag-unawa sa akda. Ang sipi o buod ay nagpapakita ng pangunahing pangyayari, at ang talambuhay ng may-akda ay nagbibigay ng konteksto sa kanyang inspirasyon. Ang tagpuan ay lugar at panahon ng kwento, at ang tauhan ay nagpapakilala sa mga karakter. Ang banghay ay naglalarawan sa daloy ng kwento mula simula hanggang wakas. Ang punto de vista ay ang pananaw sa pagsasalaysay, habang ang tono ay damdaming namamayani. Ang tema ay ang pangunahing ideya, at ang aral ay ang mahahalagang leksyon. Sa teorya o dulog, sinusuri ang akda gamit ang iba’t ibang lente, at ang reaksiyon ay ang pansariling tugon ng mambabasa.


Ang gabay sa pagsusuri ng nobela ay tumutulong upang masusing maunawaan ang akda. Sa Introduksyon, kinikilala ang may-akda at konteksto ng kanyang panahon. Mahalaga ring tukuyin ang mga talasalitaan para sa pag-unawa ng wika sa nobela. Ang pagsusuri ng tauhan ay sinusuri ang mga aksyon at dahilan ng kilos ng karakter. Ang buod ay sumasagot sa mga pangunahing tanong tulad ng sino, ano, at paano. Sa kabisaan ng nobela, sinusuri ang bisa nito sa isip (bagong kaalaman), damdamin, at kaasalan (mga pagpapahalaga). Ang tema at layunin ng may-akda ay nagpapakita ng pangunahing mensahe. Ang teoryang pampanitikan ay nagdaragdag ng lalim sa pag-unawa. Sa reaksyon, inilalahad ang sariling opinyon at mga natutuhang leksyon mula sa nobela.


Ang gabay sa pagsusuri ng nobela, maikling kuwento, at tula ay tumutok sa pag-unawa sa may-akda, konteksto, tauhan o persona, tema, at mensahe ng akda. Lahat ay may pagsusuri sa epekto sa damdamin at pag-iisip ng mambabasa, gamit ang teoryang pampanitikan para sa mas malalim na interpretasyon.

Wednesday, December 11, 2024

Maikling Kwento📒

Mga Pamaraan sa Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan 



Ano ang Maikling Kwento?

- Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento" ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

- Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.


Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento 



Elemento ng Maikling Kwento 

Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento 

Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan

Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan

Magagandang Kaisipan o Pahayag - mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa  

Simula at Wakas - paraan ng mga manunulat kung paano niya sinimulan at winakasan ang kwento. Ito’y maaaring may magandang simula ngunit may malungkot na katapusan.


Suriin ang kwento ayon sa uri


Mga Uri ng Maikling Kwento 

Kwento ng tauhan -  inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. 

Kwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

Kwento ng katatakutan  - naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

Kwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Kwentong sikolohiko -  ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Kwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

Kwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

Kwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.


  • Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito
  • Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
  • Suriin ito ayon sa taglay na bisa.

Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.

Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.

Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.


Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipuan 


Gamitan ng teorya sa pagsusuri


PARAAN NG PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO

 “ Magparayang Puso”


URI NG KWENTO

  - alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napapabilang (Kuwento ng Pag-ibig)


   PAMAGAT

  - dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento. 

  (“Magparayang Puso”-Isang babaeng nagmahal, nasaktan at nagparaya )


III. NILALAMAN

  

Tauhan 

  Dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kwento.

(Issa - labinlimang taong gulang, mahilig magbasa at manood ng palabas tungkol sa pag-ibig. Isang masayahing babae, positibo ang pananaw sa buhay at wagas kung magmahal. Kasintahan ni Ben.

Ben - labingpitong taong gulang, maunawain at mapagmahal na kasintahan ni Issa.

Magulang ni Issa - mahigpit at istrikto pagdating sa kanyang mga anak lalo na sa usapang pag-ibig. )

 B. TAGPUAN

Pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa kwento.

(Novaliches Quezon City,Silid-aralan ,Bahay)


 C. GALAW NG PANGYAYARI o BANGHAY

  Dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento.

Pangunahing Pangyayari 

  - panimulang aksyon 

  - matatagpuan ang tauhan, tagpuan, panahon at posibleng simula ng suliranin at problema 

 (Hayskul ng magkakilala sina Ben at Issa. May lihim na pagtingin si Issa sa kanyang kaklaseng si Ben ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may pagtingin rin si Ben sa kanya)

Pasidhi o Pataas na Pangyayari 

  - pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga pangyayari sa kwento.

  - daan o susi patungo sa pinakamahalagang pangyayari

(Hindi nagtagal ay niligawan ni Ben si Issa at agad naman niya itong sinagot . Naging maganda at masaya ang kanilang relasyon. Subalit ang relasyon nila ay lihim dahil mahigpit at pinagbabawalan si Issa ng kanyang magulang. )

 Karurukan o Kasukdulan 

  - pinakamahalagang bahagi ng kwento.

  - pinakahihintay ng mga mambabasa.

  - dito nagaganap ang pinakamatinding problema.

(Nagsimula ang problema ng may naririnig si Issa na usapan sa kanilang paaralan na di umano ay may kasama si Ben na buntis na babae . Hindi naniwala si Issa kahit pa napapansin at nararamdaman na niyang nanlalamig na si Ben sa kanya. Naging pipi at bingi lamang siya kahit na iniiyakan niya ito tuwing gabi. )

Kakalasan o Pababang Aksyon 

  - bahaging bago magwakas ang kwento.

  - binibigyang sulosyon ang problema sa kwento.

(Walang ginawa si Issa kundi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi kaya naman kinabukasan ay kinausap niya si Ben kung totoo ba ang kumakalat na usapan at ito’y inamin ni Ben. Nasaktan siya sa naging sagot ni Ben ngunit tiniis niya at napagdesisyonan niyang makipaghiwalay na lamang alang-alang sa magiging anak ni Ben.)

Wakas 

  - bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa.

  - dito matatagpuan ang pangunahing aral o mensahe sa kwento.

  - dito na wawakasan ang mga pangyayari sa kwento 

(Si Issa, isang babaeng nagmahal, nasaktan, nagparaya ngunit unti-unting bumangon at natutunan na ang tunay na Pag-ibig ay mayroong tamang oras, pagkakataon, at naniniwalang may taong nakalaan para sa bawat tao.)


 TAGLAY NA BISA 

  - matapos mabasa ang kwento alamin kung anong pagbabago sa sarili ang iyong naramdaman 

(Bisang Pangkaisipan) 

Sa wakas ng kwento isinaad na ang pag-ibig ay dumarating sa tamang panahon at ito’y hindi dapat minamadali. )

  KAMALAYANG PANLIPUNAN

  - alamin kung ano ang ipinapakita o inilalarawan ng akda sa ating lipunan.

(Hindi na bago sa ating lipunan ang maagang pakikipagrelasyon ng mga kabataan na nasa mura pang edad at ang malala pa dito ay naging dahilan ito ng maagang pagbubuntis)

  TEORYA

  - sa pagsusuri mahalagang alam mo ang teoryang ginamit sa akda.

Teoryang Romantisismo 

(Ang pagpaparaya ni Issa kay Ben ay isang halimbawa ng pag-ibig na maunawain.

na kahit nasaktan ay inunawa at iniisp pa din ang kapakanan ng magiging anak ni Ben.)




Pagsusuri "Simbolo" Ang pagbabalIK ni Jose Corazon De Jesus"

 Pagsusuri "Simbolo" Ang pagbabalIK ni Jose Corazon De Jesus"



"URING PAMΡΑΝΙΤΙΚΑΝ"

ANG PAGBABALIK NI JOSE CORAZON DE JESUS AY AKDANG PAMPANITΙΚΑΝ ΝΑ ΝAPAPABILANG SA ISANG TULA. ITO AY ISANG MASINING NA ANYO NG PANITIKAN NA NAGLALAYONG MAIPAHAYAG ANG DAMDAMIN NG MAKATA O MANUNULAT NITO. NAGPAPAHAYAG ITO NG DAMDAMIN AT MAGAGANDANG KAISIPAN GAMIT ANG MARIRIKIT NA SALITΑ. ΙΤΟΎ ΜΑTALINHAGA AT KADALASANG GINAGAMITAN NG TAYUTAY.


"ESTRUKTURA NG TULA"

ITO AY TRADISYUNAL NA TULA SAPAGKAT NAGTATAGLAY ITO NG SUKAT, NA MAY LALABIN-DALAWAHING PANTIG, NA MAY TUGMA AT MAY TALINGHAGA. ITO AY BINUBUO NG LIMANG TALUDTOD SA BAWAT SAKNONG.


ANG TULA AY MAYROONG 8 SAKNONG.


"ESTILO NG PAGLALAHAD"

PAGSASALAYSAY AT PAGLALARAWAN ANG ISTILO NG PAGLALAHAD ANG GINAMIT NA TULANG ITO. ISINALAYSAY NG MAY-AKDA NG MGA PANGYAYARING NAGANAP SA BUHAY NG PANGUNAHING TAUHAN.


"Tayutay, tono at simbolo"

"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"


"PAGMAMALABIS"

Ang pagmamalabis ay isang uri ng tayutay na sadyang pinapalabis o pinalalaki ang katotohanan upang bigyang-diin ang isang ideya o damdamin. Ginagamit ito upang makuha ang atensyon ng mambabasa o tagapakinig.


"HALIMBAWA"

Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas, 

Pasigaw ang sabing, 'Magbalik ka agad!'

Ang sagot ko'y 'Oo, hindi magluluwat!'

Nakangiti akong luha'y nalalaglag...

At ako'y umalis, tinunton ang landas

Na biyak ang puso't iniwan ang kabiyak!


"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"


"PAGLILIPAT-WIKA O TRANSFERRED EPITHETES"

Ang paglilipat-wika o transferred epithetes ay isang tayutay na naglalarawan sa paggamit ng isang pang-uri na karaniwang inilalarawan sa isang bagay o tao, ngunit inilipat o inilipat ito upang ilarawan ang ibang bagay o tao na hindi direktang may kinalaman sa pang-uri.


"HALIMBAWA"

At ako'y lumakad, halos lakad takbo, 

Sa may dakong ami'y meron pang musiko, 

Ang aming tahana'y masayang totoo 

At nagkakagulo ang maraming tao...

"Salamat sa Diyos!" ang nabigkas ko,

"Nalalaman nila na darating ako."


KAKIKITAAN DIN ANG TULA NG LARAWANG DIWA NA KUNG SAAN MAHUSAY NA INILALARAWAN NG MAKATA ANG TULA UPANG MAGKAROON NG KAKINTALAN SA MGA MAMBABASA:


HALIMBAWA:

AT AKOY TUMULOY... PINTO NG MABUKSAN, ΜΑΤΑΥ ΝΑPAPIKIT SA AKING NAMASDAN; ΑΡΑΤ ΝΑ ΚANDILA ANG NANGAGBABANTAY; SA PALIGID-LIGID NG IROG KONG BANGKAY; MUKHA NAKANGITI AT NANG AKING HAGKAN; PARA PANG SINABI "IROG KO, PAALAM!"



"TALASALITAAN"


1.KALUWALHATIAN-DAMDAMING UMIIRAL SA PUSO NG TAO DAHIL SA KAGANDAHAN NG LOOB NITO AT SA MGA BAGAY NA INIKALATUWA NIYA UPANG MAKAMIT ANG KASIYAHAN HINAHANAGAD


2. MAGLULUWAT-NANGANGAHULUGANG HINDI MAGTATAGL O MAGBABALIK


AGAD-AGAD.


3. MAKABAGTAS-GINAMIT ANG SALITANG MAKABAGTAS-SA TULA SA PARAAN NA SIYA AY NAKARATING NA SA PINTUAN


4. DATNIN- PINAIKLING SALITA NA ANG KAHULUGAN AY DUMATING



5.NAGLALAGOT-NANGANGAHULUGANG LABIS-LABIS ANG KANIYANG NADARAMANG PANGUNGULILA AT KALUNGKUTAN SA KANIYANG SINISINTA


6. MAGAWAK-INILARAWAN SA TULA NA ANG SALITANG MAGAWAK AY KATUMBAS NG SALITANG MADALING ARAW


7. KAINGIN-KATUMBAS NG SALITANG BUKIRIN NA PINAGTATAMNAN NG IBA'T IBANG PRUTAS AT GULAY.


8. PINUPOL-PAGPITAS


9.LIYAG - GINAGAMIT UPANG ILARAWAN ANG TAONG MAHAL MO O ANG IYONG SINTA, MINAMAHAL, GILIW AT ASAWA.



"SIMBOLO"


1. ANG PANYONG PUTI AY SUMISIMBOLO SA MASAYANG PAMAMAALAM NA HINANGAD NITO NA MAGKAROON SIYA NG PAYAPANG PAGLALAKBAY


2. KWAGO AT IBONG ITIM SUMISIMBOLO ITO NA NAGPAPAHIWATIG NG MASAMANG PANGITAIN O MAY MAGAGANAP NA HINDI KANAIS-NAIS.


3. KANDILA NAMAN AY SUMISIMBOLO NG LIWANAG SA DILIM NG BUHAY SA ISANG INDIBIDWAL NA NANGANGAHULUGANG BANAL NA PAG-IILAW NG ESPIRITU NG KATOTOHANAN PATUNGO SA SUSUNOD NA MUNDO NA KUNG SAAN WALA NG SAKIT AT PAGHIHINAGPIS








Pagsusuri sa mga tulang "Sagimsim" Ang Ilaw sa Parol at "simbolo" Ang pagbabalik


Pagsusuri sa mga tulang "Sagimsim" Ang Ilaw sa Parol at "simbolo" Ang pagbabalik









Mga nilalaman

1. Pagtalakay sa Buhay ng May-Akda 

2.Pagbasa ng Tula 

3.Uring Pampanitikan 

4.Pagpapaliwanag ng mensahe ng tula sa bawat saknong 

5.Estruktura ng Tula 

6.Tayutay, Tono, at Simbolismo ng Tula 

7.Mabisang Pampanitikan 

a. Bisa sa Isip 

b. Bisa sa Damdamin 

c. Bisa sa Kaasalan 

8. Teoryang Pampanitikan


"SUMULAT NG TULA"



• Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang Pilipino.

• Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika.

• Naiambag niya sa panitikan ang kanyang kuwentong Bunga ng Kasalanan na nalathala sa Taliba noong 1920.

• Bunga ng kasalanan- ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga manunulat na Pilipino ang tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento. Ito rin ang naging dahilan upang tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong 1920 dahil sa boto ng mga mambabasa ng magasing Liwayway.


"Sagimsim" Ang Ilaw Sa Parol ni Cirio H. Panganiban"



"URING PAMΡΑΝΙΤΙΚΑΝ"

ANG ILAW SA PAROL AY AKDANG PAMPANITIKΑΝ ΝΑ ΝΑΡΑΡΑBILANG SA ISANG TULA. ITO AY ISANG MASINING NA ANYONG PAΝΙΤΙΚΑN NA NAGLALAYONG MAIPAHAYAG ANG DAMDAMINNG MAΚΑΤΑ Ο MANUNULAT NITO. NAGPAPAHAYAG ITO NG DAMDAMIN AT MAGAGANDANG KAISIPAN GAMIT ANG MARIRIKIT NA SALITA. ITO AY MATALINGHAGANG SALITA AT KADALASANG GINAGAMITAN NG TAYUTAY.


"ESTRUKTURA NG TULA"

ANG TULANG ITO AY MAY SUKAT AT TUGMA. ITO AY BINUBUO NG LALABINDALAWAHING PANTIG. ANG BAWAT SAKNONG AY BINUBUO NG LIMANG TALUDTOD.

"ESTRUKTURA NG TULA"

KAKIKITAAN DIN ANG TULA NG LARAWANG DIWA NA KUNG SAAN MAHUSAY NA INILALARAWAN NG MAKATA ANG TULA UPANG MAGKAROON NG KAKINTALAN SA MGA MAMBABASA:


HALIMBAWA:

LAGAPAK ANG KATAWANG SUMAPIT SA BALKON, 

ΝΑ ΤΙΝΑΤΑNGLAWAN NG ILAW SA PAROL.

TUMAHOL ANG ASO AT ANG TAONG YAOY, 

SINASAL NG UBO PAGPUWAY KINANDONG 

NG MUNTING KAMAY KULUBOT AT LUOΥ


"ESTILO NG PAGLALAHAD"

ISA SA MGA TRADISYUNAL NA MAKATA SI CIRIO H. PANGANIBAN, TRADISYUNAL ANG BINUONG ISTILO NG TULA NIYA NA KUNG SAAN NAGTATAGLAY NG SUKAT AT TUGMA SA BAWAT TALUDTOD. ANG MGA SALITA AT PARAAN NG PAGBUO NG PAHAYAG AY PILING-PILI, MATAYUTAY, AT MASINING BUKOD SA PAGIGING MARAMDAMIN.


"TAYUTAY, ΤΟΝΟ AT SIMBOLO"

"SIMBOLO"


ILAW SA PAROL

SA TULANG NABASA, ANG ILAW SA PAROL AY SUMISIMBOLO SA PAG-ASA NG MAGULANG NA MAKITA ANG KANYANG ANAK.


HALIMBAWA:

ANG PALAD NG TAO'Y UMASA'T MAGHINTAY SAKA KUNG DUMATING ANG PALAD NA IYAN, ANG HULING PAG-ASA'Y AGAD NAMAMATAY... AT GAYA NG PAROL SA DATING TAHANAN KUNG KALIAN NANG GABING NAMATAY ANG ILAW!


ANG IBON

ANG IBON ANG GINAMIT NA REPRESENTASYON SA BINATA UPANG IPAKITA ANG KALAYAANG NARANASAN NITO NANG LINISAN NIYA ANG KANYANG INA.


HALIMBAWA:

IBONG NAKAKULONG, KAPAG NAKALAYA, 

IBIG DUMAPO SA SANGANG MABABA! 

ITO ANG NANGYARI SA ATING BINATA, 

SA NASANG NAKAMTAN ANG SANGUNDONG TUWA'Y 

HALOS DI-ITUNTONG ANG PAA SA LUPA!


Iba Pang Malalalim na Pananalita na Ginamit sa Tula



Mga Tayutay na Ginamit sa Tula

"PAGTUTULAD"

Ang pagtutulad ay isang uri ng tayutay kung saan inihahambing ang dalawang magkaibang bagay gamit ang mga salitang "tulad," "parang," o "kasing." Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakatulad ng dalawang bagay na karaniwang hindi magkapareho.


"HALIMBAWA"

Sa bisig ng Ina, anak ay nagbalik,

Katulad ng isang malayong pag-ibig.

Sa bisig na yaon, ang wasak na dibdib, 

Para lang humanap ng sandaling langit, 
Humimlay nang upang ganap na umidlip.


"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"

"PAGWAWANGIS"

Ang pagwawangis ay isang uri ng tayutay na tuwirang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay nang hindi gumagamit ng mga salitang "tulad," o "parang,". Mabisang paraan upang ilarawan ang mga bagay nang mas tuwiran at mas malinaw.


"HALIMBAWA"

Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis 

Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib, 

Inang palibhasa'y Ina ng Pag-ibig, 

Hinihintay-hintay na muling magbalik.


"MGA TAYUTAY NA GINAMIT SA TULA"

"PAGMAMALABIS"

Ang pagmamalabis ay isang uri ng tayutay na sadyang pinapalabis o pinalalaki ang katotohanan upang bigyang-diin ang isang ideya o damdamin. Ginagamit ito upang makuha ang atensyon ng mambabasa o tagapakinig.


"HALIMBAWA"

May pitong taon na ang nakalilipas 

Mula ngang umalis ang bugtong na anak. 

Lumaki sa layaw, nagmana ang pilak, 

At ang magbinatang busog sa pangarap,

Nilinisan ang Ina't ang mundo'y nilipad


"PAGBIBIGAY-KATAUHAN"

Binibigyan nito ang mga bagay na walang Buhay na parang Isang tao na kumikilos at nag-isip.


"HALIMBAWA"

Sa kislap ng kanyang mga ginto't pilak

 ay humahabol-habol pati alitaptap. 

Nasilaw ang tala sa kanyang liwanag, 

Ngunit nang maglho ang dating anag-ag, 

isa mang bitui'y hindi na sumikat!


"SAGIMSIM NG TULA"

Ang tono nito ay pangungulila ng magulang saa nak dahil pitong taon na nilisan ng binata ang tahanan upang sundinnito ang kanyang nasa matapos na makatanggap ito ng maramingsalaping pilak.


"HALIMBAWA"

Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis 

Sa bugtong-hininga sugatan ang dibdib, 

Inang palibhasa'y Ina ng Pag-ibig,

Hinihintay-hintay na muling magbalik


"SAGIMSIM NG TULA"

Ang tono nito ay pangungulila ng magulang saa nak dahil pitong taon na nilisan ng binata ang tahanan upang sundinnito ang kanyang nasa matapos na makatanggap ito ng maramingsalaping pilak.


"HALIMBAWA"

Ang kanyang pag-asa'y darating sa bahay 

Kaya, gabi-gabi, ang Ina'y may tanglaw, 

Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,t

Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal


"PERSONA NG TULA"

Ang makata ang nagsasalaysay sa tula kung saan inilalahad niya karanasan ng ina na nangungulila at kung papaano ang ginawang paglustay sa salaping minana ng binata sakanyang ina upang bigyang-aral ang mga mambabasa na dapat huwag magpasilaw sa pera at dapat pahalagahan natin ang ating mga magulang dahil sila ang ating tunay na kayamanan na kailanman ay hindi mapapalitan.









Tulang Patnigan🏚️🎞️ "Duplo"

Tulang Patnigan🏚️🎞️ Ang tulang patnigan ay isang makulay at masining na anyo ng panulaang Filipino na naglalayong ipahayag ang damdamin, o...