Noli Me Tangere | Kabanata 1 | Isang Pagtitipon🏚️🪅
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 1: Ang Pagtitipon
Sa gabing iyon ay nakatakdang ganapin ang marangyang handaan sa bahay ni Don Santiago De los Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago upang magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi naman iba sa Kapitan Tiyago ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang bahay ni Kapitan Tiyago na mayataguin sa kalye Anluwage ay napuno ng mga bisita. Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at nabibilang sa mataas na lipunan.
Ang pinsan ng Kapitan na si Tiya Isabel ang taga-aama ng mga dumating na bisita at ang mga panauhing babae at lalake ay sadyaang magkakakilala. Nagpahalili-istama ng mga bisita at ang mga panauhin kabilang na ang magkakabiyak na sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Hindi naman nagpahuli sa mga panauhin ng Kapitan ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ni Binundok; si Padre Damaso na sadyaang magsasalaw sa kung kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevara, ang tenyente ng gwardiya sibil.
Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri. Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng tabako, mga pulbura at armas at marami pang iba. Sa naturang pagtitipon ay hindi pinalagpas ni Padre Damaso na ihagis ang kanyang pangungutya sa mga Indio. Ang mga ito raw ay tamad at mababang uri ng mga nilalang.
Samantala, gumawa naman ng paraan si Padre Sibyla upang maiba ang usapan at dito ay pinasok niya ang pagkaka tanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng dalawampung taon. Ang paliwanag ni Padre Damaso ay hindi raw nararapat makialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe. Tinutulan naman ng Kapitan Heneral ang sinabi ng pari at inilahad na ang parusa ay nararapat lamang raw sa pananaw ng Kapitan Heneral.
Ipinaliwanag din ng Tenyente na kaya nilipat si Padre Damaso ay dahil pinahaukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na pinagbintangan erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Dahil dito ay nagalit si Padre Damaso lalo na nang maalala niya ang tungkol sa mga nawalang mahahalagang kasulatan. Namagitang muli si Padre Sibyla upang pakalmahin si Padre Damaso.
Kalauna’y lumawak muli ang talakayan sa pagtitipon.
Erehe - ito ay taong sumusuway o ayaw sumunod sa ipinag-uutos ng simbahan.
Halimbawa: Isang indio ang tinutukoy ni Padre Damaso na namatay na isang erehe.
Kubyertos - mga kasangkapang pagkain.
Halimbawa: Ang mga kalansing ng kubyertos at pinggan ay higit na nagpapasigla ng buong paligid sa tahanan ni Kapitan Tiago.K
Kantanod - Taong dumadalo sa handaan ng walang imbitasyon o tinatawag itong gate crasher.
Halimbawa: Maraming kantanod ang inaasahang dadalo sa piging.
Walang-Habas - Ito ay tumutukoy sa taong walang galang o bastos ang lumalabas sa bibig.
Halimbawa: Kinutya at minaliit ni Padre Damaso ang mga indio pilipino ang mga iyon raw ay mangmang at tamad.
Bantog - ito ay tumutukoy sa taong kilala o maraming nakakikilala.
Halimbawa: Si Kapitan Tiago ibantog sa kanilang lugar.
Pulutong - ito ay nangangahulugang isang malaking grupo o karamihan ng mga tao ay bagay na magkakasama.
Halimbawa: Sa gitna ng kasayahan ang pulutong ng mga panauhin ay nagtipon-tipon at masiglang nag-uusap tungkol sa mga usaping panlipunan at pulitikal.
Mga Tauhan
Tiya Isabel - pinsang babae ni Kapitan Tiago siya ang tagapangasiwa sa handaan.
Kapitan Tiago - isang bantog na tao sa kanilang lugar at siya'y tinuturing na may mabuting puso at bukas-palad.
Padre Damaso - ang pari na walang-habas ang bibig.
Padre Sibyla - isang pari na mahinahon at pormal magsalita.
Dr. De Espadaña at Donya Victorina - mag-asawa na kabilang sa dumalo sa pagtitipon.
Tenyente Guevara at Gwardiya Sibil - ang dalawang paisano na dumalo sa pagtitipon.
No comments:
Post a Comment