Sunday, December 8, 2024

Makabagong Pagtuturo ng Wika: Paggamit ng Teknolohiya at Angkop na Kagamitang Panturo"

Makabagong Pagtuturo ng Wika: Paggamit ng Teknolohiya at Angkop na Kagamitang Panturo"

"Ang teknolohiya ay hindi lamang kasangkapan kundi isang daan patungo sa mas malalim na pagkatuto ng wika."

Noon, ang paraan ng pagtuturo ay tradisyonal at nakasentro sa guro, kung saan ginagamit ang pisara at chalk bilang pangunahing kagamitan. Ang guro ang pangunahing tagapagsalita habang ang mga estudyante ay tahimik na nakikinig at sumusulat. Karaniwan, limitado ang mga visual aid sa mga kartolina at larawang guhit, at nakatuon ang pagkatuto sa pagsasaulo ng mga impormasyon. Pagsusulit sa anyo ng written exams at oral recitations ang pangunahing paraan ng pagtataya. Sa kasalukuyan, ang pagtuturo ay mas teknolohikal at nakasentro sa mga estudyante. Ginagamit na ang mga laptop, projector, at learning management systems upang gawing interaktibo ang pag-aaral. Ang mga visual aid ay mas makulay at mas dynamic, tulad ng mga PowerPoint presentations at video clips. Bukod sa pagsusulit, ginagamit na rin ang online quizzes at collaborative projects upang masukat ang kasanayan ng mga estudyante sa critical thinking, komunikasyon, at problem-solving. Sa ganitong paraan, mas nagiging aktibo ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.


Eslit (2017)

Maaaring i-program ang ICT upang iayon ang pagtuturo at pagsusulit sa mga pangangailangan ng bawat estudyante. Ito ay nagpapahintulot ng mas personalized na pagkatuto sa mga wika

Ajoke (2017)

Mahalaga ang pandamang karanasan sa pagtuturo upang mapalakas ang epektibong pagbabago sa pag-uugali ng mga estudyante.

Slavin (2010)

Ang maayos na pagplano at malikhaing paggamit ng mga visual aid sa mga aralin ay:

  • Mapawi ang pagkabagot
  • Nakakapukaw ng interes.
  • Pumupuno sa kakulangan ng aklat.
  • Tinuturuan ang mga mag-aaral na mag-isip nang malalim

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, maraming kagamitang panturo ang maaaring gamitin upang mapabuti ang pagkatuto lalo na sa tulong ng teknolohiya. At isa na rito ay ang CALL (Computer-Assisted Language Learning) kung saan mas napapabuti nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika. 


  • Language Instructional
  • Materials Supported by
  • Technology Tools

(Mga Kagamitang Panturo sa Wika na Suportado ng mga Teknolohiyang Kasangkapan)



1. Instructional Chart 

Maunawaan ang datos at konsepto na hindi ipinapakita sa mga teksto.
Nagsisilbing kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat at pagpapakita ng mga relasyon at proseso.

Mga Teknolohiyang Kasangkapan sa

A. Pagbuo ng Mga Tsart:

Hindi lamang ito ginagamit sa paggawa ng mga dokumento, kundi may kakayahan din itong gumawa ng mga tsart o grap na magpapaganda sa biswal na presentasyon

b. Microsoft Excel 

Para sa mga nag-aaral ng wika, mas madaling maintindihan ang isang simpleng tsart sa Excel kaysa makita ang mga maraming sheet at cells na puno ng mga numero. 







C. Microsoft PowerPoint 

Ginagawa nitong interaktibo ang presentasyon sapagkat maaaring ipakita ang mga tsart sa pamamagitan ng mga slide.


d. Mga Apps sa iOs, Android, at Windows Phone at iPad Chart Maker Apps

Ang mga apps tulad ng Numbers, Viz, 3D Charts, Chart Maker, Graphing Calculator HD, Roambi Analytics, at Graph

2. Poster

Ang poster-making ay isang aktibidad na nakakatulong sa mga estudyante na mapaunlad ang kanilang pagkamalikhain at maipahayag ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng visual na kagamitan.

Mga libreng poster maker applications na maaaring gamitin ng mga estudyante:

Spark Post: 

Nag-aalok ng mga template at layouts para sa paggawa ng custom na poster.









Canva's Poster Maker


May daan-daang templates na idinisenyo ng mga propesyonal.









Block Posters 


Puwedeng mag-upload ng larawan at gumawa ng malaking poster.



Posterini 


Gumagamit ng augmented reality at artificial intelligence para sa unique na disenyo.




PosterMyWall 

Nag-aalok ng madaling gamitin na serbisyo para sa custom graphics at mga poster templates.






3. Flashcard 

Karaniwang ginagamit ang mga ito sa pagbasa at pagtuturo ng mga leksyon






Mga website na makakatulong sa paggawa ng flashcards para sa mga klase sa wika, ayon kay Softonic (2020):

  • Anki 



Maaaring maglaman o makagawa ng mga teksto, tunog, larawan, at mga naka-format na dokumento sa standard na LaTeX.





  • Vocabla 
Nakatuon sa pagpapalawak ng bokabularyo at may mga competitive elements tulad ng mga achievement at puntos sa ranggo, na ginagawa itong mas masaya at nakaka-adik. Ang natatanging tampok nito ay ang add-on para sa Mozilla Firefox, na nagpapahintulot sa mga user na magdagdag ng mga salita at gumawa ng flashcards online.

  • EduKoala 


Pinapayagan ang mga user na matutunan ang mga bagong salita sa pamamagitan ng phone unlocking challenges kung saan magpapakita ng  mga tanong at kinakailangan sagutin ito upang mabuksan ang phone. 

  • Study Blue 

Lumilikha ng flashcards na may kasamang teksto, tunog, at mga larawan. Puwede ring magdagdag ng mga larawan o mag-drawing, at mag-input ng impormasyon nang manu-mano o pasalita.



No comments:

Post a Comment

Tulang Patnigan🏚️🎞️ "Duplo"

Tulang Patnigan🏚️🎞️ Ang tulang patnigan ay isang makulay at masining na anyo ng panulaang Filipino na naglalayong ipahayag ang damdamin, o...